Philippines, 25 Jun 2018
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Halina sa Sarangani

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
15 Aug 2010




SARANGANI -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong kababayan, fans at mga tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay datnan kayo ng mga biyaya at saya saan man kayo naroroon sa lahat ng sulok ng mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Araw ng Linggo ngayon at noong isang araw ay lumipad ako kasama ang ilan sa aking mga kapwa Kongresista sa distritong aking nasasaklaw. Inimbitahan ko rin ang ilan sa aking mga kaibigan upang samahan ako na pasyalan namin ang ganda, lasapin ang kasariwaan ng Sarangani.

Opo, katatapos lang namin na mag-dive sa bayan ng Maasim kung saan buhay at makulay ang mga corals sa kaibuturan ng dagat. At kung may corals sa pusod ng dagat, sigurado ring naririyan ang mga naggagandahang mga isda at mga laman-dagat na kasiya-siya sa paningin.

Kakaiba ang sport na diving dahil sa ilalim ng dagat, mararanasan mo ang kapayapaan at panibagong pagtanaw sa ating mundo. Maganda rin itong exercise para sa akin habang inaayos pa rin ang kontrata para sa aking laban sa November 13. Habang sinusulat ang kolum na ito, wala pa ring nakatakdang lugar kung saan ako lalaban. Mukhang si Antonio Margarito na ng Mexico ang aking makakalaban dahil walang aksyon ang kampo ni Floyd Mayweather na siyang gusto ng nakararami.

Kaya naman naisipan ko munang mag-relax at maipakita sa aking mga kasama ang natatagong ganda ng Sarangani na puno ng yamang pangkalikasan. Maliban sa bayan ng Maasim, magandang dive site din ang bayan ng Kiamba kung saan nagmula ang aking pinakamamahal na maybahay na si Jinkee. Bukod dito, pupuntahan din namin ang bayan ng Maitum kung saan buhay na buhay pa rin ang ilog na maaaring sakyan ng raft, kayak at rubber tubes.

At siyempre, dahil sariwa ang hangin, malinis ang karagatan at tahimik ang probinsiya ng Sarangani, masarap sigurado ang agahan, pananghalian at hapunan dahil sariwa rin ang pagkain na nanggagaling sa bukid at dagat. Dito sa Sarangani nagmumula ang pinaka-primera klaseng isda gaya ng tuna na kilala sa buong mundo. Kaya naman hinihikayat ko rin ang aking mga kababayan na ingatan at pangalagaan ang ating mga likas na kayamanan na siya nating maipamamahagi pa sa ating mga anak at sa mga susunod na henerasyon.

Ang turismo sa Pilipinas ay isa sa ating itinatanging yaman dahil kaya nating tapatan ang ganda ng alinmang bansa sa mundo. Hinihikayat ko ang lahat na huwag sirain ang mga corals na pinagbabahayan ng mga isda. Sana, tigilan na natin ang pangingisda na gamit ang dinamita o mga lason na nakakamatay sa maliliit na isda at sa iba pang laman-dagat. Dahil kung mawawala at mamamatay ang mga bahay ng ating mga isda, mawawala na ang panggagalingan ng pagkain at ikabubuhay ng ating pamilya sa darating na panahon. Ganyan din ang pangangalaga sa kabundukan, ang pagtatanim ng punong-kahoy sa halip ng pagpuputol.

Kung aalagaan natin ang kalikasan, tayo ang magwawagi sa huli. Walang baha, walang polusyon, walang gutom at magiging masaya, malusog at bata ang ating mga katawan at pag-iisip.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • SOUTHERN LEYTE 58TH FOUNDING ANNIVERSARY BOXING SHOWDOWN
    By Maloney L. Samaco, 25 Jun 2018
  • TZOURAMANIS SPARS WITH AMONSOT
    By , 25 Jun 2018
  • Efforts are on to land LeBron, George, Paul et al
    By Eddie Alinea, 25 Jun 2018
  • DRAGON FIRE BOXING SIGNS PROSPECT REAGAN DESSAIX
    By , 25 Jun 2018
  • PACQUIAO-MATTHYSSE FEATS, FACTS AND FIGURES 11: EVERYTHING'S FINE AND THE FIGHT WILL HAPPEN ON JULY 15 SAYS MANNY
    By Maloney L. Samaco, 25 Jun 2018
  • ARDREAL HOLMES DESTROYS DOMINIQUE FOSTER IN 2 ROUNDS
    By , 25 Jun 2018
  • Complete Results from Bacoor Cavite: Ambo Decisions Ligas To Claim LUZPROBA-118 Belt; Andales Outpoints Lausa
    By Carlos Costa, 24 Jun 2018
  • Zulueta eyes ABF minimumweight title on June 30
    By Jerome S. Galunan Jr., 24 Jun 2018
  • Manny, Lucas hard at work
    By Joaquin Henson, 24 Jun 2018
  • VERGIL ORTIZ JR STOPS JUAN CARLOS SALGADO WITH VICIOUS BODY SHOT
    By , 24 Jun 2018
  • PACQUIAO REMAINS FOCUSED
    By Aquiles Z. Zonio, 24 Jun 2018
  • LeBron nears free agency status; Spurs open door to trade offers on Leonard
    By Eddie Alinea, 24 Jun 2018
  • WUZHATI STOPS PEEPUEH IN JINAN
    By Rene Bonsubre, Jr., 24 Jun 2018
  • EDWARDS TRUMPS COWBOY, AS ALL FOUR CHINESE ATHLETES CLINCH VICTORIES AT UFC FIGHT NIGHT SINGAPORE 2018
    By , 24 Jun 2018
  • SPLIT-T MANAGEMENT JUNIOR MIDDLEWEIGHT ARDREAL HOLMES IN ACTION TONIGHT IN DETROIT
    By , 24 Jun 2018
  • PACQUIAO-MATTHYSSE FEATS, FACTS AND FIGURES 10: CHANGES IN PACQUIAO'S TRAINING
    By Maloney L. Samaco, 23 Jun 2018
  • OUTSIDE LOOKING IN: The fight that started Pacquiao’s rise to fame
    By Eddie Alinea, 23 Jun 2018
  • CLARESSA SHIELDS WINS IBF AND WBA MIDDLEWEIGHT WORLD TITLES FRIDAY ON SHOWTIME®
    By , 23 Jun 2018
  • RAQUEL "THE PRETTY BEAST" MILLER REMAINS PERFECT WITH UNANIMOUS DECISION WIN OVER SZILVIA SZABADOS IN QUEENS, NEW YORK
    By , 23 Jun 2018
  • Manny sets blockbuster undercard
    By Joaquin Henson, 23 Jun 2018





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2018 philboxing.com.