Philippines, 22 Apr 2018
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        


 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

PARA SA INYONG LAHAT

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
15 Nov 2009



LAS VEGAS — Isang magandang araw ang aking ipinapaabot sa inyong lahat habang ako ay handa na para sa pinaka-importanteng laban ng aking boxing career sa kasalukuyan, ang pag-asam natin sa ikapitong world title sa ikapitong magkakaibang weight division.

Excited na ako na sumabak sa ibabaw ng ring kontra sa kampeon ng welterweight division na si Miguel Angel Cotto, ang pambato ng Puerto Rico. Walong linggo akong naghanda ng puspusan para sa gabing ito at alam kong minsan lang mangyayari ito sa larangan ng sport ng boksing dahil wala pang nakakagawa nito sa buong kasaysayan mula pa noong simula.

Kaya naman ginawa, ginagawa at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makamit ang World Boxing Organization welterweight title at ang World Boxing Council Diamond Belt na nakataya sa Sabado (Linggo ng tanghali sa Pilipinas) sa MGM Grand Garden Arena.

Kahapon nga, napuno ang arena, kahit na weigh-in pa lamang ang gagawin namin ni Miguel. Naroroon ang mga kababayan nating Pinoy para magbigay-suporta sa akin, gayundin ang mga taga-Puerto Rico na suportado si Miguel.

Nakakatuwang isipin na noong nagsimula ako sa boksing, tumimbang lang ako ng 106 pounds noong 1995 para sa una kong laban sa murang edad na 16. Mula nang maging kampeon ako ako sa 108 pounds flyweight division, nabatid ko sa sarili ko na wala palang imposible kung ibibigay mo ang iyong sarili sa paghangad ng mga bagay na sa tingin mo ay imposibleng makamit.

Inaamin kong hindi naman ako ang pinakamagaling na boxer sa mundo pero dahil sa pinag-ibayo ko ang paghasa sa mga biyayang ibinigay sa akin ng Poong Maykapal, lalong nadagdagan ang aking talino at kakayahan na umangat mula sa pagiging “ordinaryong” boxer lamang.

Alam kong mayroon akong taglay na bilis at kasama nito ay ang lakas kaya naman hindi naging mahirap para sa akin ang umangat mula sa flyweight paakyat sa super-bantamweight division at maging kampeon muli ng mundo sa hindi masyadong inaasahang pagkakataon.

Wala ring naniwala sa akin na makakaya kong talunin ang tinitingala at iniidolong si Marco Antonio Barrera, ang tinaguriang People’s Champion ng featherweight division, nang talunin ko siya sa pamamagitan ng knockout noong 2003. Kahit na nadaya ako sa tablang laban namin ni Juan Manuel Marquez dahil mali ang scoring ng isang judge noong tatlong beses kong pinabagsak ang Mexicano sa unang round, nagawa ko ring balikan siya sa super-featherweight division at maipanalo ang aking ika-apat na titulo sa ikaapat na magkakaibang weight division. Kasing-dami rin ng mga hindi makapaniwala at nagsasabi na mahihirapan daw ako sa laban ko kay David Diaz, ang hari ng mga lightweight.


Pero nalampasan ko po ang lahat ng mga iyan sa pamamagitan ninyong lahat at sa ating matinding pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Tinalo ko ang alamat ng boksing na si Oscar Dela Hoya sa 147-pound limit at sa taong ito ay naitala ko ang ika-anim na world title nang talunin ko si Ricky Hatton, ang hari ng mga light-welterweight at mapantayan ko ang nakatayong record.

Para sa laban na ito kontra kay Cotto, inaalay ko po sa inyong lahat ang paghangad ng tagumpay. Kayong lahat ang aking inspirasyon at sana, iisa ang ating magiging tinig at iisa ang ating panalangin. Sa gabi ng laban, ang lahat ng inyong mga adhikain ay aking papasanin sa ibabaw ng ring at kung papalarin ay magsasaya tayong sabay-sabay bilang isang bansa na sumasampalataya sa Diyos ng pag-ibig at buhay.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Today in Belfast: Remember the Filipino Flash?
    By Recah Trinidad, 22 Apr 2018
  • Carl Frampton vs. Nonito Donaire / Zolani Tete vs Omar Narvaez Airing Live in Canada on Super Channel
    By , 22 Apr 2018
  • Complete “Undefeated” card bared
    By , 22 Apr 2018
  • NBA -- Sixers take 2-1 lead over Miami
    By Roman David Garay, 22 Apr 2018
  • Lucas insists no eye surgery
    By Joaquin Henson, 21 Apr 2018
  • DONAIRE IS THE UNDERDOG, WHILE FRAMPTON ADMITS A LOSS TO THE FILIPINO FLASH WILL END HIS CAREER
    By Maloney L. Samaco, 21 Apr 2018
  • No way the Pacquio-Matthysse title fight won’ be a success
    By Eddie Alinea, 21 Apr 2018
  • Weights From San Antonio, TX
    By , 21 Apr 2018
  • Sullivan Barrera expects bounce back performance on Kovalev-Alvarez undercard and wants the winner
    By , 21 Apr 2018
  • TWO REGIONAL BELTS AT STAKE IN CHONGQING
    By Rene Bonsubre, Jr., 21 Apr 2018
  • WEIGHTS FROM BELFAST: FRAMPTON - 125.25 LBS, DONAIRE - 125.5 LBS
    By , 21 Apr 2018
  • ADRIEN BRONER vs. JESSIE VARGAS FINAL WEIGHTS & QUOTES
    By , 21 Apr 2018
  • Unbeaten Top Contender Joseph 'JoJo' Diaz Jr. takes on WBC Featherweight Champion Gary Russell, Jr. from MGM National Harbor in Maryland
    By , 21 Apr 2018
  • Boxing Champ Jermell Charlo Denied Gym Entry, Claims Racism
    By , 21 Apr 2018
  • NBA --- ​Pelicans​ take ​control​, lead Blazers 3-0​
    By Absalon Inocian, Jr., 21 Apr 2018
  • Pacman’s build-up program starts Monday
    By Eddie Alinea, 20 Apr 2018
  • PACQUIAO, MATTHYSSE MEET AND FACE OFF IN MALAYSIA IN WHAT PROMISES TO BE A GREAT FIGHT IN JULY (PHOTOS)
    By Carlos Costa, 20 Apr 2018
  • LAMONT ROACH, JR. AND ORLANDO 'EL FENOMENO' CRUZ BATTLE TO HARD-FOUGHT DRAW
    By , 20 Apr 2018
  • PACQUIAO, MATTHYSSE ARRIVE IN KUALA LUMPUR (PHOTOS)
    By Dong Secuya, 20 Apr 2018
  • PACQUIAO SAYS BUBOY NOW THEN FREDDIE NEXT
    By Maloney L. Samaco, 20 Apr 2018





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2018 philboxing.com.