Philippines, 24 Jan 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Laban Bawat Araw

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
25 Jun 2009




GENERAL SANTOS CITY—Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan, fans, kaibigan at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

Tuloy pa rin ang laban sa bawat araw, kung ako po ang inyong tatanungin. Matapos nating magwagi sa ating huling pagsubok laban sa hari ng 140-pound division na si Ricky Hatton, hindi pa rin tumitigil ang pang-araw-araw na laban sa aking buhay, saan man ako mapadpad.

Naririyan ang napakaraming mga boksingerong gusto akong makalaban dahil na rin nasa ulo ko ang korona ng No. 1 na boksingero sa mundo, pound-for-pound, dala na rin ng mga pagwawagi ko laban sa mga higante ng boksing, particular si “Golden Boy” Oscar Dela Hoya.

Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, sa araw-araw na pamumuhay ko rito, ibang uri naman ng paligsahan ang aking hinaharap. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay sa aking bansa at sa aking sinilangang bahagi ng Mindanao, hindi ko maaaring iwanan ang aking mga kapwa mahihirap.

Opo, kahit na natamo ko na at nalasap na ang mga maginhawang aspeto ng pamumuhay dahil na rin sa aking pagtatagumpay sa larangan ng sports, ang aking puso ay malapit pa rin sa mga taong minsan ay naging kagaya ko —isang kahig, isang tuka.

Naranasan ko ang hirap bilang isang bata na kakalat-kalat sa lansangan. Minsan, ako ay nangarap na sana, mapabuti ko ang buhay ng aking pamilya kaya naman ako ay nakipagsapalaran sa buhay. Hindi ko alam kung saan ako tutungo at hindi rin alam kung ano ang ibibigay ng bukas. Hindi ko alam kung kailan ako makakakain ng masarap at kung magtatapos ako ng pag-aaral. Hindi ko lubos maisip na ganito na kalayo ang aking narating.

Kaya naman po, hindi ko makakalimutan ang aking pinanggalingan, ang mga taong kagaya ko noon. Nakita ko ang kahirapan sa murang edad at alam ko ang pakiramdam ng walang makain, walang saplot sa katawan at walang direksiyon ang buhay. Kaya naman po, isinasaayos ko ang maraming proyekto sa aking purok gaya ng medical, educational, pangkapayapaan at social na mga adhikain upang kahit papaano ay makatulong ako ng kaunti sa mga taong nangangailangan.

Marahil, alam na ninyo na may balak ako na pumasok sa larangan ng politika at tatakbo sa Kongreso sa lalawigan ng Sarangani. Marami pa ang mangyayari sa aking career bilang isang boksingero at sa taong ito, isang beses pa ako lalaban, marahil sa Oktubre o Nobyembre.

Hindi pa nagtatapos ang lahat dahil gaya ng aking bawat laban, hindi ko nalalaman ang mangyayari. Tanging Diyos lamang ang nakakaalam ngunit isa lang ang tiyak -- tuloy ang laban nating lahat—ang ating pakikibaka sa pang-araw-araw na buhay. Galing naman sa Diyos ang lahat ng itong mga nasa akin ngayon, kaya naman ibinabahagi ko rin sa lahat ang mga ito, pumasok man ako o hindi sa pulitika. Ang makatulong sa aking mga kababayan ang aking sumpa.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • All’s well with Pacquiao’s eyes
    By Eddie Alinea, 24 Jan 2019
  • Donaire aims for undisputed title
    By Joaquin Henson, 24 Jan 2019
  • JAIME MUNGUIA VS. TAKESHI INOUE HOUSTON MEDIA WORKOUT QUOTES
    By , 24 Jan 2019
  • Action Fight League returns Feb. 16 to Seminole Hard Rock in Hollywood, Florida
    By , 24 Jan 2019
  • Has Broner lost his mind?
    By Joaquin Henson, 23 Jan 2019
  • Painful but not serious, says Fortune
    By Joaquin Henson, 23 Jan 2019
  • The Past Week in Action 22 January 2019
    By Eric Armit, 23 Jan 2019
  • MANNY PACQUIAO vs. ADRIEN BRONER TO AIR ON SHOWTIME® ON SATURDAY, JANUARY 26 AT 10:30 P.M. ET/PT
    By , 23 Jan 2019
  • PACMAN’S LEFT CORNEA SUSTAINS LIGHT SCRATCH
    By Aquiles Z. Zonio, 23 Jan 2019
  • Broner overjoyed silly that he survived
    By Recah Trinidad, 23 Jan 2019
  • BUBOY SAYS THREE MORE FIGHTS FOR MANNY THEN RETIRE
    By Maloney L. Samaco, 23 Jan 2019
  • Split-T Management's Vikas Krishan and Janelson Figueroa Bocachica Score Big Wins This Past Weekend
    By , 23 Jan 2019
  • Manny delivered as promised
    By Joaquin Henson, 22 Jan 2019
  • Manny delivered as promised
    By Joaquin Henson, 22 Jan 2019
  • Body punches key to Manny’s win
    By Joaquin Henson, 22 Jan 2019
  • NOTHING TO FEAR OF PACQUIAO'S EYE INJURY
    By Maloney L. Samaco, 22 Jan 2019
  • Will he or will he not fight Manny?
    By Eddie Alinea, 21 Jan 2019
  • Results from Vietman: Pulatov Retains WBA Asia 154 Belt, Lesnikov Brutalizes Tamboresi
    By Carlos Costa, 21 Jan 2019
  • Sarangani sets Hero’s Welcome for Senator Pacquiao
    By , 21 Jan 2019
  • Roach says no big deal in taking backseat
    By Joaquin Henson, 21 Jan 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.