Philippines, 20 Jun 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Muli, ang aking pasasalamat sa inyong lahat

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
14 May 2009



MANILA — Sampung araw pa lang ang nakakaraan matapos nating magwagi kontra sa Englishman na si Ricky Hatton, pero parang napakarami na ang nangyari mula noon hanggang ngayon.

Mula sa aking kontrobersiyal ngunit inaabangang pagdating sa Manila mula Los Angeles hanggang sa mga parada sa Kamaynilaan, sa Malacanang at sa General Santos City at Sarangani, ako po ay lubos na nagagalak sa lahat ng pagmamahal na inyong ipinakita at ipinadama.

Maraming, maraming salamat po ulit sa inyong lahat, mula sa mga pinakamaliit na bata hanggang sa pinakamatandang fans at tagahanga. Pati na rin iyong mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa aking kakayahan, maraming salamat din po sa inyong mga panalangin.

Naging iisa na naman ang ating bansa, naging iisa ang tinig ng mga mamamayan, natigil ang karahasan at putukan, nawala ang krimen sa lansangan, naging marangal ulit ang Filipino sa buong mundo at taas-noo tayong humarap sa ating kaaway. Nagwagi tayo dahil sabay-sabay tayong nanalangin at nanaginip na kakayanin nating talunin ang kalaban sa malinis at patas na labanan sa ibabaw ng ring. Iisa ang ating tinig at sa isa muling pagkakataon, inilagay natin ang ating kamay sa ating mga puso upang kantahin natin ang Lupang Hinirang.

Iwinagayway sa buong mundo ang bandila ng Pilipinas at kasama na rin ng aking awitin nang ako ay umakyat sa ring, nabuhay muli ang pagmamahal natin sa ating lupang tinubuan. Nang aking sambitin ang mga katagang, “Sumigaw ang Pinoy…,” at sabay-sabay kayong sumigaw upang maipakita sa mundo kung sino kayo, nakapagbigay ito ng kakaibang lakas, sigla at inspirasyon upang lalo kong pagbutihin at bilisan ang pagkuha ng panalo.

Kaya naman po gusto ko nang umuwi, upang makapiling ko sa lalong madaling panahon ang aking mga kababayan at pamilya. Pero, halos ipagbawal sa akin ang aking pag-uwi dahil na rin daw sa kumakalat na virus sa buong mundo.

Hindi naman po sa pagmamalabis, pero hindi ko magagawang maging sanhi ng pagkalat ng nakakahawang virus. Ilan po sa aking mga kasambahay at kaibigan sa Los Angeles ay nauna nang umuwi at hindi naman sila hinarang sa airport. Bago rin ako tuluyang lumabas ng airport, siniguro kong wala akong dalang virus dahil alam kong maraming tao ang potensiyal na mahahawa kung saka-sakali. Pero marami pa rin ang gustong tumuligsa sa akin. Maraming tao ang dumarating araw-araw galing sa iba’t-ibang bahagi ng mundo pero hindi naman sila gaanong hinihigpitan. Minsan, marami akong mga bagay na hindi talaga maintindihan.

Kaysarap na balikan ang mga nagdaang araw, ang mga hirap at sakripisyong aking dinaanan at kasama na rin ang mga pagsubok na hinarap. Pero naririyan kayong lahat upang suportahan ako at magbigay sa akin ng sapat na rason upang huwag sumuko at asamin ang pinakamataas at pinakamatamis na simbulo ng paghahari sa mundo. Thank you ulit.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: KIAMBA, Sarangani – Mayor Rom Falgui leads a packed crowd at the town plaza during the Hero’s Welcome for boxing champion Manny Pacquiao Tuesday, May 12. (KIAMBA NEWS CENTER/Allan C. de Lima)


KIAMBA, Sarangani (May 13, 2009) – Boxing champ Manny Pacquiao gets a new uniform Tuesday, May 12, during his conferment with honorary membership to the Philippine Army 73rd Infantry Battalion by battalion commander Lt. Col. Edgardo de Leon. (Cocoy Sexcion/SARANGANI INFORMATION OFFICE)

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Financial Advice from World-Famous Freddie Roach
    By , 19 Jun 2019
  • Boxer Jarrell 'Big Baby' Miller Says Failed Drug Test Cost Him $30 Mil
    By , 19 Jun 2019
  • IOKA STOPS PALICTE IN 10
    By Dong Secuya, 19 Jun 2019
  • Utsuki upsets Bolivar in early Palicte-Ioka bout
    By Lito delos Reyes, 19 Jun 2019
  • Thurman out of line with remarks
    By Joaquin Henson, 19 Jun 2019
  • TMZ SPORTS EXCLUSIVE: Tom Cruise vs. Justin Bieber UFC Fight Could Happen, Says Dana White
    By , 19 Jun 2019
  • “Too many punches, in too many nights…”
    By Recah Trinidad, 19 Jun 2019
  • ADAM KOWNACKI VS. CHRIS ARREOLA, ANDRE BERTO VS. MIGUEL CRUZ & MARCUS BROWNE VS. JEAN PASCAL NEW YORK PRESS CONFERENCE QUOTES
    By , 19 Jun 2019
  • TOP PROSPECTS SEBASTIAN FUNDORA AND MANUEL ZEPEDA TALK TRAINING CAMP AHEAD OF SHOBOX MAIN EVENT
    By , 19 Jun 2019
  • Blair Cobbs Returns to the Ring this Friday June 21 at Fantasy Springs Casino in Indo, CA
    By , 19 Jun 2019
  • IM Ricky de Guzman rules chessfest
    By Marlon Bernardino, 19 Jun 2019
  • Aston Palicte vs. Kazuto Ioka in 1st world boxing championship fight to be streamed live on UFC FIGHT PASS®
    By , 19 Jun 2019
  • 3rd Mayor Tina Yu Bugsayan Festival on June 22-23 in San Isidro
    By Lito delos Reyes, 19 Jun 2019
  • In The Rage: Nate "Train" Landwehr
    By , 19 Jun 2019
  • TABITI: "NO REGRETS, NO EXCUSES"
    By , 18 Jun 2019
  • TABITI: "NO REGRETS, NO EXCUSES"
    By , 18 Jun 2019
  • SEBASTIAN FUNDORA CONTINUES TO GROW; READY FOR MAIN EVENT ON SHOBOX: THE NEW GENERATION THIS FRIDAY, JUNE 21 LIVE ON SHOWTIME®
    By , 18 Jun 2019
  • King's Promotions Sign Undefeated Fighters James Martin, Jonathan Torres & Khainell Wheeler
    By , 18 Jun 2019
  • Fighters Make Weight in Japan: Palicte-Ioka Battle for WBO Super Fly World; Kyoguchi-Nakoon for WBA Light Fly World (PHOTOS)
    By Carlos Costa, 18 Jun 2019
  • PROKICK at Clayton Hotel Belfast, June 23
    By , 18 Jun 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.