Philippines, 14 Oct 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

'With Great Power Comes Great Responsibility'

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
20 Feb 2008



LOS ANGELES — Magandang araw po sa inyong lahat. I hope everyone is doing well.

Palagi ko pong binabanggit itong kasabihang ito: “With great power comes great responsibility,” isang kasabihang nagpapahiwatig ng malaking pinapasan ng mga taong may malaking responsibilidad sa buhay.

Inilalagay ko ito palagi sa aking isipan dahil hindi ko pwedeng pabayaan na mahulog ako sa patibong ng pagsikat at kapangyarihan. Maraming mga tao ang minsan ay nalunod sa tawag ng pera at sa mga tuksong kasama nitong kaginhawaan sa buhay.

Naalala ko ito dahil sa mga nababasa at naririnig ko sa internet tungkol sa maliliit na bagay na hindi dapat pagtuunan ng pansin sa panahon na ito. Ito ay tungkol sa nawawalang pera na nasa bangko ko. Hindi naman ibig sabihin na dapat ay ipagwalang-bahala ko ang nangyari sa akin. Mahalaga para sa akin at sa aking pamilya na makamit ang hustisya dahil ang perang nawawala ay pinaghirapan ko rin at para sa kinabukasan ng aking mga mahal sa buhay.

Maraming mga tao ang hindi nakakaunawa na may mas malaking responsibilidad na nakatuon sa aking mga balikat at dapat nandito naka-focus ang buo kong oras at lakas.

Hindi ko dapat pabayaan ang paghahanda ko sa nalalapit kong laban sa March 15 kontra kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas . Maraming mga tao ang gustong mawala ako sa focus at concentration at sa kasamaang-palad, iyong mga kababayan ko pa ang gumagawa nito.

Noong isang linggo, isinulat ko sa column na ito ang isang request na sana , huwag na akong gambalain ng mga taong walang kinalaman sa kaso dahil ito ay isang pribadong bagay. Marami pa rin ang “pasaway” na gustong makialam at kabilang na dito ay dalawang tao na hindi ko na rin babanggitin ang pangalan.

Wala akong ipinag-utos sa mga tao na ipaalam sa buong mundo o ipahiya ang mga nasasakdal sa kaso. Ako nga, hindi na nagbanggit ng mga pangalan dahil wala sa aking ugali na magtanim ng sama ng loob kahit kaninuman dahil ako’y isang tao lamang na nagkakasala rin.

Gayunpaman, sa mahinahon kong pakiusap sa aking mga kasama ay ginawa pa rin nila ang hindi ko gustong mangyari dahil katulad ng sinabi ko, naapektuhan ang kunsintrasyon ko o focus sa training at sa laban.

At higit sa lahat, gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na hindi porke’t may jacket kang Team Pacquiao ay pwede mo nang sabihing opisyal na miyembro o Team Pacquiao ka. At kahit na Team Pacquiao ka, hindi mo dapat ipagsabi na ikaw ay miyembro ng Team Pacquiao dahil nagagamit ang pangalan ko sa labas ng boxing. Isa ay nagsasabi na siya ang aking physical therapist at isa naman ay “all around” helper. Sila ang kumontak sa mga kinatawan ng print at TV media na walang pahintulot sa akin, kahit na ginawa ko na ang dapat kong gawin gaya ng pag-report sa pulis at pakikiugnay sa mga kinatawan ng bangko.

Para naman sa mga iresponsableng miyembro ng media, na ang iba ay nagsulat na wala man lang pinanghahawakang mga opisyal na papeles at nagsulat lang dahil sa narinig nilang second-hand na impormasyon, sana ay tigilan na ninyo ang paglagay ng impormasyon na walang basehan. Hindi rin ako magpapaunlak na ma-interview ako dahil nasa kinaukulang kamay na ang kasong ito. Ibig sabihin, lahat ng mga impormasyon na lalabas sa media ay hindi official.

May isa pang journalist na nagpahiwatig na baka hindi ako ang nagsusulat ng column na ito, isang bagay na lubos kong kinaiinisan. Mababa po ba ang tingin ninyo sa aking kakayahan? Sa tingin ninyo, ako pa rin po ba iyong 16-year old na boxer na kinokober ninyo noon, iyong walang kamuwang-muwang sa mundo at hindi marunong gumamit ng laptop o magsulat? Naiintindihan ko na sa kabila ng aking pagsisikap at pagbibigay ng karangalan sa ating bansa at higit sa lahat ay kasiyahan sa mga kababayan ko, ay hindi lahat ay natutuwa. Bakit kaya ganito ang tao? Gusto kong malaman ang mga kasagutan sa mga bagay na iyan.

Kung gusto po ninyo akong manalo sa laban na ito, sana ay magkaisa tayo, gaya ng kagustuhan kong magkaisa tayo bilang iisang bansa at iisang sambayanang Pilipino na mananalo sa itaas ng entablado at tanghaling World Champion sa kahit na anong larangan ng sports o sa larangan ng buhay.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon! Thank you and more power.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • RUIZ VS JOSHUA 2 TICKETS ON-SALE TODAY!
    By , 14 Oct 2019
  • Trivial pursuit and Spectation @ Dubs’ Golden Homecoming (Photos)
    By Emmanuel Rivera, RRT, 14 Oct 2019
  • WINNER OF PROGRAIS-TAYLOR BECOMES THIRD MEMBER OF EXCLUSIVE ALI TROPHY CLUB
    By , 13 Oct 2019
  • A LEGACY OF FAITH, HOUSE OF GOD
    By Aquiles Z. Zonio, 13 Oct 2019
  • JULIO CESAR MARTINEZ SIGNS PROMOTIONAL DEAL WITH MATCHROOM BOXING USA
    By , 13 Oct 2019
  • Rafol TKOs Lantry to win the vacant WBF Asia Pacific light title
    By Lito delos Reyes, 12 Oct 2019
  • PETALCORIN, APOLINARIO, CARCOSIA HEADLINE “BRAWL AT THE MALL”
    By , 12 Oct 2019
  • Montano to defend ABF belt vs. Suganob tonight
    By Jerome S. Galunan Jr., 12 Oct 2019
  • PETALCORIN FIGHT MOVED TO GENSAN ON OCT 20
    By Dong Secuya, 12 Oct 2019
  • Split-T Management's Undefeated Prospects Charles Conwell and Otha Jones III to appear in Chicago on Saturday
    By , 12 Oct 2019
  • AMATEUR STANDOUT HOPEY PRICE SIGNS WITH MATCHROOM
    By , 12 Oct 2019
  • ANDREW 'EL CHANGO' CANCIO TO FACE RENE 'GEMELO' ALVARADO IN REMATCH FOR THE WBA SUPER FEATHERWEIGHT WORLD TITLE
    By , 12 Oct 2019
  • TONIGHT Four Split-T Management's Fighters in Action in Warren, Michigan
    By , 12 Oct 2019
  • King's Promotions Card Shaping Up for Friday, October 25th at The 2300 Arena in Philadelphia
    By , 12 Oct 2019
  • TAYLOR Q&A – “I’VE BEEN VISUALISING LIFTING THE ALI TROPHY”
    By , 11 Oct 2019
  • Undefeated prospect Richard "Popeye The Sailor Man" Rivera Expanding fan-base to Florida
    By , 11 Oct 2019
  • Ceferino Garcia and Manny Pacquiao, Asia's All Time Best at Higher Weights
    By Teodoro Medina Reynoso, 11 Oct 2019
  • Dela Torre suffers a 1st round knockout loss to Yoshino
    By Lito delos Reyes, 11 Oct 2019
  • Host privilege a boost for boxing
    By Joaquin Henson, 11 Oct 2019
  • Ancajas to defend his title for the 8th time
    By Lito delos Reyes, 11 Oct 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.