Philippines, 23 Feb 2018
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        


 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

ANG DIWA NG PASKO AY PAG-IBIG AT PAGPAKUMBABA

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
22 Dec 2014



MAGANDANG araw po sa ating mga masugid na tagasubaybay. Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman.

Pasko na po at sana’y ating ibahagi sa kapwa ang totoong diwa nito.

Ang araw ng pasko ay nagpapaalala sa atin gaano kadakila ang pagmamahal ng Diyos sa atin.

Ang pasko ay hindi lamang isang malaking taunang selebrasyon para sa ating mga Kristiyano. Ito ay araw din ng pagmuni-muni. Ang kapanganakan ng Poong Hesus ang naging tulay upang muling magkaroon ng ugnayan ang tao at ang Diyos Ama.

Siya po ang tupang isinakripisyo at inialay upang muling mabuhay at madugtungan ang ating relasyon sa Diyos Ama.

Kung ating suriing mabuti, maraming simbolo ang hatid sa atin ng pasko. Subalit, sa tingin ko, ang totoong diwa at simbolo ng pasko ay pag-ibig at pagpapakumbaba.

Ipinakita ng Panginoong Diyos gaano niya tayo kamahal sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sariling anak upang tayo’y matubos sa kasalanan.

Sino ba tayo upang mahalin at pag-ukulan ng ganung pansin ng Diyos Ama? Tayo na nililok lamang mula sa alabok. Tayo na puspos ng kasalanan, mapag-imbot at suwail sa kabila ng pagpapalang ibinigay ng Panginoon.

Sadya ngang walang katumbas at walang katapusan ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos. At ito ang mensaheng nais niyang ibahagi at ipabatid sa atin.

Sana naman, sa pamamagitan ng pasko ay maalala natin ang pagpapala at walang hanggang kabutihan ng Panginoong Diyos. Ipagbunyi natin ang kanyang kadakilaan. Mahalin natin at lingapin ang ating kapwa lalo na ang mga mahihirap, ang mga matatanda, ang mga balo at ang mga ulila. Ito ang utos ng Panginoon sa pamamagitan ng Bibliya.

Kung may pag-ibig sa ating puso, wala sanang gutom, kaguluhan o digmaan. Magulo ang mundo dahil ang naghahari sa ating puso ay kasakiman, galit at kahayukan sa materyal na bagay.

Sundin natin ang dakilang halimbawa na ipinakita ni Hesukristo. Siya’y Anak ng Diyos, subalit isinilang Siya sa sabsaban hindi sa isang marangyang tahanan o mamahaling pagamutan.

Kung ang Anak ng Diyos ay kayang magpakumbaba, tayo pa kaya? Marahil ay likas na nga sa tao ang pagiging palalo.

Na sa konting angat lamang ng buhay o sa munting katanyagan o talinong kanyang naangkin ay biglang lumalaki ang ulo at ang pakiramdam ay anak na siya o siya na ang Diyos.

Pinaalalahanan tayo ng Diyos. May nakalaang kaparusahan sa mga taong palalo. Di ba’t sinasabi sa Bibliya na ang mga mapagmataas ay ibababa at ang mga mapagpakumbaba ay iaangat at pagpapalain ng Diyos?

Sana ang paskong ito ay maging daan upang bigyan natin ng puwang ang Panginoong Diyos sa ating mga puso.

Mahalin natin ang Panginoong Diyos at ang ating kapwa kagaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.

Hanggang sa susunod. Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa ating lahat.


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Mike Tyson: Deontay Wilder Could Beat Me? 'I Don't Think So'
    By , 22 Feb 2018
  • ANCAJAS TO MEET MAYOR SARA DUTERTE
    By Lito delos Reyes, 22 Feb 2018
  • Hotshots eye twice-to-beat incentive vs Bolts in Cagayan de Oro
    By Eddie Alinea, 22 Feb 2018
  • RECARTE TIAUSON JOINS STRONG VIETNAM CHESS TOURNEY
    By Marlon Bernardino, 22 Feb 2018
  • NIETES AND VILORIA ALL SET FOR SUPERLY 2
    By Maloney L. Samaco, 22 Feb 2018
  • Dana White: Yes, I'm Stripping Conor's Belt, No Deal with Floyd Yet
    By , 22 Feb 2018
  • JUAN CARLOS REVECO HAS A GRIM MESSAGE FOR FILIPINO FIGHT FANS
    By Ed de la Vega, DDS, 22 Feb 2018
  • JOSEPH DIAZ, JR. VS. VICTOR "VIKINGO" TERRAZAS OFFICIAL WEIGHTS
    By , 22 Feb 2018
  • SUPERFLY 2 TRIPLEHEADER ON HBO BOXING AFTER DARK THIS SATURDAY
    By , 22 Feb 2018
  • M-1 Challenge 88 Weights from Moscow
    By , 22 Feb 2018
  • WBSS Semifinals finale Super Middleweights in Germany: Callum Smith vs. Nieky Holzken
    By , 22 Feb 2018
  • LADY FALCONS LOOK TO BOUNCE BACK AGAINST LADY MAROONS
    By Eddie Alinea, 22 Feb 2018
  • Roel Abelgas leads Dasmariñas win over San Beda
    By , 22 Feb 2018
  • ATLANTIC CITY BOARDWALK BOXING FEATURING LAMANNA VS. BRACERO WRAPS UP FACEBOOK FIGHTNIGHT LIVE WEEKEND TRIPLEHEADER ON SATURDAY
    By , 22 Feb 2018
  • Chuck Liddell: I Got Proof UFC Docs Will Clear Me to Kick Tito Ortiz's Ass Again
    By , 22 Feb 2018
  • Filipino Featherweight Contender Genesis Servania Signs Multi-Year Promotional Agreement With Top Rank
    By , 21 Feb 2018
  • SENATOR PACQUIAO PLEDGES FINANCIAL SUPPORT TO GRIEVING DEMAFELIS FAMILY
    By Aquiles Z. Zonio, 21 Feb 2018
  • MPBL OFFERS HOPE TO GRASSROOTS BASKETBALL HOPEFULS
    By Aquiles Z. Zonio, 21 Feb 2018
  • The Past Week in Action 20 February 2018 -- Part II
    By Eric Armit, 21 Feb 2018
  • The Past Week in Action 20 February 2018 -- Part I
    By Eric Armit, 21 Feb 2018





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2018 philboxing.com.