|
|
|
Masarap Mag-aral PhilBoxing.com Mon, 07 Apr 2008 GENERAL SANTOS CITY?Magandang araw po sa inyong lahat. I hope everyone is doing well. I wish everybody is healthy in mind, body and spirit. Napakasarap pala mag-aral. Ito po iyong matagal ko nang hinahangad mula pa noong mawalay ako sa aking mga magulang, umalis ng bahay noong nagbibinata pa lang ako para hanapin ang aking kapalaran sa malaking syudad sa pamamagitan ng boksing. Dati, kinakanta ko lang ang awit ni Nonoy Zuniga, iyong kantang pamagat ay "Doon Lang." Naalala ko noon, habang ako ay nangangarap, na kung natapos ko lang ang aking pag-aaral? gaya ng nakasaad sa lyrics ng kanta. Habang inaawit ko ito, sabay din akong nagdarasal na sana, isang araw, makatanggap din ako ng isang diploma. Sana, sa pagsisikap ko, makatapos ako ng high school man lang. Hindi naman po nagtagal, sa pagsisikap at sa pagnanasa kong gumanda lalo ang aking buhay, naipasa ko ang equivalency test ng high school dahil na rin sa hangarin kong makakuha ng high school diploma. Pero hindi po ako kuntento na high school lang ang natapos dahil alam ko, marami pa rin akong dapat malaman na mga bagay na importatnte sa buhay upang lalo kong maintindihan ang kalakal at matuto akong magsalita ng maayos upang maihayag ko ang sarili ko sa publiko. Kaya po ngayon, ako ay enrolled sa kolehiyo at matatapos ko na ang first year ng business management course ko sa Notre Dame of Dadiangas University. So far, so good, but I still have a lot of "unfinished business." Tama si Jose Rizal. Ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan kaya hinihikayat ko ang lahat ng mga bata na tapusin ang inyong pag-aaral habang ang inyong mga magulang ay malakas pa at kaya pa kayong itaguyod. Huwag ninyo pabayaan na masayang ang panahon at pagod ng inyong mga magulang at habang bata kayo, makapag-umpisa rin ng maaga. Hindi sapat na nakuha ko ang aking "diploma" sa boksing. Hindi panghabang-buhay ang pagiging boksingero ko at darating din ang araw na isasabit ko ang aking gloves at magre-retire. Hindi sapat na tanghalin akong kampeon sa itaas ng ring dahil hindi naman ako panghabang-buhay na magboboksing. Darating din na ako na ang mamamahala ng aking mga business. Hindi sapat na mayaman ka sa mundo. Hindi tama na marami kang taong pwedeng utusan para gawin ang iba't-ibang bagay-bagay. Importante na alam mo na hindi ka lolokohin sa isang transaction o hindi malulugi ang isang negosyo. Samantala, mag-eenjoy ako sa panonoood ng isang magandang boxing card. Good luck sa lahat ng mga boxer. Kay Gerry Penalosa, itayo mo ang bandera ng Pilipinas. Kay Boom Boom Bautista, AJ Banal, Ciso Morales, Bert Batawang at Michael Domingo, alam kong kaya ninyong magwagi. Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God bless everyone. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |